Ang pagtatanim ng kabute ay kapaki-pakinabang. Ito ay inihanay na sa kalipunan ng mga gulay at ibinibilang na isa sa mga masustansyang pagkain. Hindi nangangailangan ng malaking lugar at hindi gugugol ng mahabang panahon sa pagtatanim.
Mga Kailangan sa Paggawa ng Kama:
Ang dayami ng palay ang siyang pangunahin at pinakamabuting gamitin para sa paglilinang ng kabute. Ito ay hindi mahirap lalo na’t katatapos lamang ng anihan. Ang water lily, dahon o tangkay ng saging at mga itinapon bahagi ng abaka ay maaari ding gawing kamang punlaan ng kabute.
Paghahanda:
Mahaba, malinis at tuyong dayami ang kailangan. Iwasan ang paggamit ng bulok at lumang mga dayami. Bago bungkusin, tiyakin na nakaayos na mabuti ang bawat dulo ng dayami. Ang pagbubungkos ay mula anim hanggang walong diyametro. Putulin ang nakabungkos na dayami sa habang 1.5 hanggang 2 talampakan. Ibabad ang nakabungkos na dayami sa loob ng 3 oras. Tandaan na ang paglulubog nito sa tubig ay di dapat lumampas ng 10 oras upang ang dayami ay makasipsip ng katamtamang dami ng tubig. Tayuan ng apat na kawayan o patpat ang bawat sulok ng kamang pagpupunlaan na may sukat na dalawang talampakan ang lapad at sa ninanais na haba. Ilatag na mabuti ang mga nakabungkos na dayami pahalang sa pundasyon. Ihinto ang pagdidilig kung ang tubig ay naguumpisa nang dumaloy sa kama.
Pagtatanim ng Binhi:
Isingit ang mga binhi sa pagitan ng mga dayami ng apat na pulgada ang layo mula sa tagiliran, at apat na pulgada rin ang layo ng bawat butong itatanim. Huwag magpunla sa gitna ng kama. Patungan ng panibagong dayami na pasalungat sa nauna, diligan at patagin. Sundin ang mga naunang tuntunin hanggang sa mahusto ang salansan at taas ng kamang punlaan. Ang kama ng kabute ay binubuo ng anim na salansan ng dayami. Ang bawat patong ay may mga nakatanim na binhi ng kabute.
Pag-aalaga sa Kaman ng Kabute:
Mula sa apat hanggang limang araw matapos ihanda ang kamang punlaan, simulan na ang pagdidilig. Gawin ito tuwing makalawang araw o naaayon sa kalagayan ng panahon. Sa buwan ng tag-init, ang pagdidilig ay kailangan, ngunit kong tag-ulan, hintayin na lamang na tumubo ang kabute. Ang labis na pagdidilig at pagkatuyot na kamang pinagpunlaan ay makasisira sa paglaki ng kabute. Upang hindi lumabis ang tubig sa kama, maaaring gawin ang pagdidilig sa tagiliran ng kama. Kapag ang kabute ay nag-uumpisa nang tumubo, ihinto muna ang pagdidilig ngunit kung nasa kalagitnaan na ang pag-usbong ng kabute, muling ipagpatuloy ang pagdidilig.
Pag-aani:
Pagsapit ng dalawa hanggang tatlong linggo, ang mga binhi ng kabute ay naguumpisa nang tumubo. Sa pag-aani, tiyakin na kasama ang pinaka-ugat nito sa pag-aalis sa kama. Huwag anihin ang mga umuusbong pa lamang upang hindi magambala ang paglaki nito. Ang kabute na nasa kasibulan ay mas malinamnam kaysa sa mga nakabukadkad.
Source: www.da.gov.ph
I have mushroom harvest but I don't know where to sell them. Do you know any buyers of mushrooms?
ReplyDeletesaan naman po kami makuha ng punla ng kabute?Salamat po.
ReplyDeleteHi sean,
ReplyDeleteFor those of you from the regions, you may contact the nearest DA office for available information. You may also contact the following experts involved in mushroom production. They offer training courses, publish information materials, and even sell mushroom spawn. I have given here a working list to start with. Please contact them directly for more details.
Dr. Teresita U. Dalisay (oyster mushrooms)
Mushroom Research and Extension Unit
Biological Science Building
Department of Plant Pathology
U.P. Los Baños, College, Laguna
Phone no. 49-5362617
Mobile: 09183954522
Fax no. 49-5363669
Email: tess_d17@yahoo.com
Dr. Sofronio Kalaw (oyster, straw and ganoderma mushrooms)
Director
Center for Tropical Mushroom Research and Development
Department of Biological Sciences
College of Arts and Sciences
Central Luzon State University
Muñoz, Nueva Ecija
Phone: 044-4565456
Dr. Janet Luis (shiitake mushrooms)
Director
Office of Training Services
Research and Extension Complex
Department of Plant Pathology
Benguet State University
La Trinidad, Benguet
Phone: 074-4226504
Mobile: 09185915548
Fax no. 49-5363669
Email: janetsluis05@yahoo.com
Ms. Lucila M. Alconera (button, straw, oyster, and wood ear mushrooms)
Countryside and Technology Transfer Section
Rural Technology and Information Division
Industrial Technology and Development Institute (ITDI)
Department of Science and Technology (DOST)
Bicutan, Taguig City
Phone: 02-837-6157
Email: rtid@dost.gov.ph
ITDI also offers a training on "MUSHROOM CULTURE AND SPAWN PRODUCTION" which includes basic info in mushroom culture and spawn production with emphasis in the preparation of pure culture/spawns, growing of tropical and semi-tropical mushroom species (volvariella volvacea, pleurotus, agaricus and auricularia).
Duration: April 17-20, 2007
Training Fee: P 2,900.00
alt, you can try approaching a supermarket and directly sell them (if in volume you can be a supplier), if not you can call/contact DTI or DA to inquire where to sell them. Even in the market, or divisoria, mushroom sell well.
ReplyDeleteWE FEEL IT IS BETTER GIVE ABT MUSHROOM FARMING IN ENGLISH LANGUAGE. TKS.ANVER MOHIDEEN. SRI LANKA 16/04/09
ReplyDeleteI FEEL IT IS BETTER TO GIVE ABOVE DETAILS IN ENGLISH. TKS
ReplyDeleteit is better give the details of mushroom growing in english. tks
ReplyDeleteHi, Anver, please follow this link for the English version:
ReplyDeletehttp://pinoynegosyo.blogspot.com/2006/08/production-of-temperate-mushroom.html
thanks
bigay naman kayo ng Buyers List ng Mushroom ..
ReplyDeletehello please use english version to this feasibility study so everybody can learn...thanks
ReplyDeleteSaan po kami makakabili ng binhi ng mushroom dito sa Tagum City, Davao del Norte? At may seminar po ba tungkol dito sa aming lugar? Kailangan ko po ang inyong impormasyon at tulong.
ReplyDeleteMaraming salamat po.
Available na ang spawn sa mushroom dito sa Mindanao. any one who are interested to culture or grow oyster contact us mitrex5@yahoo.com or call 09081010484
ReplyDeleteSaan po ba kayo sa Mindanao. Toril, Davao City po ako
Deleteif you are interested in mushroom growing especially in Mindanao we can help you just contact us 09081010484 we produced spawns
ReplyDeletesana may video tutorial on how to do it..
ReplyDeletehi! I'm interested to invest but...
ReplyDeletesino naman ang buyer ng mushroom na ma produce, at magkano per kilo.
pakipost nalang po kon meron kayo alam na mga buyer.
thanks in advance
Can anyone help find some buyer for this jelly ear mushroom?
ReplyDeletePahingi naman ng price list per kilo ng bawat uri ng kabute.salamat po.
ReplyDeletePakipoat naman ang pricelist ng bawat uri ng kabute per kilo.salamat po.
ReplyDeleteOo nga bigay naman kayo list ng buyers d2 sa laguna tnx
ReplyDeleteHay sana my magbigay ng buyer ng oyster mushroom..asap.. thanks
ReplyDeletehello po....saan po ako pwedeng makakanili ng spawn na pang straw na pwede sa kabute farming technology na tumutubo outside o sa bed?
ReplyDeleteSaan po may biilihan ng binhi ng kabute dito sa nueva ecija
ReplyDeleteSaan po kaya may bilihan ng fruiting bag ng oyster mushroom sa batangas city
ReplyDelete