Tayong mga Pinoy ay mahilig kumanta. Kapag ang ating boses ay medyo may problema, sasabihin sa atin, uminom ka ng luya. Papaano ba gumawa ng tsaa na mula sa luya?
Instant Ginger Tea
Sangkap:
1 kilong luya (buo)
2-3 kilong asukal (pagsamasamahin ang pula at puti)
Paraan ng Paggawa:
a. Piliin ang mapuputi at murang luya.
b. Linisin at alisin ang may mga gasgas. Hugasan mabuti at timbangin
c. Balatan ang luya
d. Hiwain ng manipis o tadtarin.
e. Lagyan ng tubig (1 tasa 0 sapat lamang para matakapan)
f. Gilingin ang hiniwang luya sa osterizer, kung walang osterizer pukpukin ang hiniwang luya.
g. Salain at sukatin, kunin ang katas at lagyan ng asukal (2-3 kilo)
h. Haluin at pakuluin. Hinaan ang apoy kapag ang sirup ay malapot na.
i. Lutuin at haluin hanggang lumiit at matuyo (katulad ng cereal).
j. Bayuhin at salain.
k. Balutin ng maliit na plastic bago isalang mabuti.
l. Para maging inumin o salabat, dagdagan ng 1 kutsarang instant ginger tea sa bawat tasa ng mainit na tubig.
Candied Ginger
* Hugasan at kaskasin ang balat ng luya. Hatiin pa crooswise na ayon sa gustong hugis, 1/6 pulgada hanggang ½ pulgada ang lapad.
* Ibabad sa tubig ang hiniwang luya habang ikaw ay gumagawa.
* Pakuluin ang luya sa tubig ng 3 minuto at palitan ang tubig ng 9 hanggang 10 beses habang ito ay kumukulo para maalis ang anghang. Kapag nakuha na ang tamang anghang, dagdagan ng tubig at asukal (kalahati ng dami ng tubig) para matakpan ang hiwa hiwang luya.
* Ilaga ng 10 minuto at ilagay sa isang tabi buong magdamag.
* Kinabukasan, lagyan ng parehas na dami ng asukal, ilaga ng 10 minuto at itabi.
* Sa ikatlong araw, ilaga ang luya sa sirup hanggang ang sirup ay lumapot at matuyo.
* Ikalat sa tray ang hiwa-hiwang luya at patuyuin mabuti.
Source:da.gov.ph, photo from kgrocer.com

No comments:
Post a Comment