Ang hipon ay kinikilalang pinaka-popular na shellfish sa Pilipinas dahil sa kakaibang lasa nito. Isa rin ito sa nangungunang ikinakalakal ng ating bansa sa dahilang ang hipon ay makikita sa iba't ibang bahagi ng ating bansa at madali pang paramihin.
Mahusay na pagkukunan ng mataas na protina, bitamina at mineral ang hipon. Mababa ang fat at calorie content nito madaling matunaw sa ating tiyan.
Ayon sa pananaliksik ng Freshwater Fisheries Research Station, malaking potensyal ang pag-aalaga ng hipon sa palaisdaan. Ito ay madaling alagaan at nangangailangan lamang ng maliit na puhunan.
Hindi naman biro ang halaga ng hipon ngayon sa mga pamilihan, kaya bihira ang nakapag-uulam nito. Ganoon pa man, mayroon ding solusyon kung papaanong mai-bababa ang presyo ng sugpo sa pamilihan. Dapat subukin ng mga magsasaka na pumalaot sa sa pag-aalaga ng hipon, na bukod sa may sagana sa makakain, madali at mahuhay din itong pagkakitaan.
URI NG HIPON
Alamang - ito ay isang uri ng hipon na bihirang lumagpas ng isang pulgada ang haba
Hipong Puti - ang kulay ng katawan nito ay magkahalong abuhin at dilaw namay pula sa paa at buntot
Tagonton - ay nakapaliit na hipon na malapad ang ulo kaysa sa kanyang katawan
Ulang - ay may matibay na sipit. Ito ay matatagpuan sa tubig-tabang at ilog.
Suahe - ang katawan nito ay mababalutan ng di pantay-pantay ng pinong buhok na may batik.
Sugpo - ang katawan nito ay umaabot ng labing-tatlong pulgada (13 inches) ang haba.
MGA KAILANGAN SA PAG-AALAGA NG HIPON
1. Patuloy na patubig mula sa ilog o dili kaya ay bumomba mula sa poso (artesian well).
2. Kailangang malinaw, malinis ang tubig at hindi nagtataglay ng mga nakakalasong sangkap ng polusyon.
3. May tamang disenyo nag palaisdaan, upang mabilis ang pagpapalit ng tubig o pagpapatuyo nito.
4. Naabot ng sikat ng araw upang makapagpatubo ng likas na pagkain "plankton"at halamang nagbibigay ng oksineho(oxygen).
5. Kailangang "clay loam" o lupang banlik dahil ito ay nakapag-iimbak ng tubig.
6. Dapat hindi nanganganib sa baha.
PARAAN NG PAG-AALAGA NG HIPON
Paghahanda ng Palaisdaan
a. Pakatihin at patuyuin ang palaisdaan sa llob ng limang araw upang maalis ang lahat ng nabubuhay dito, kagaya ng hito, dalag, kuhol, palaka.
b. Ang palaisdaan na may sukat na 3m x 8m ay mainam na panimula sa pag-aalaga ng hipon. Panatilihin ang lalim ng tubig mula 0.6-1.0 metro
c. Maglagay ng organikong pataba tulad ng ipot ng manok o chicken manure sa daming 150 gramo bawat metro kuwadrado (150g per sq. m.).
d. Ulitin ang paglalagay ng pataba tuwing ikalawang lingo subalit kalahati lamang ng naunang dami.
Pagpapakawala ng Binhing Hipon
Magpakawala ng daming sampung piraso bawat metro kuwadrado, sa proporsyong isang lalaki at siyam na babae. Ang hipon na may sukat na 2.5cm hanggang 3.0cm ay mainam na panimulang binhi.
Pagpapakain
Kung sapat ang pagkaing natural o plakton sa palaisdaan, hindi na kailangang gumamit ng karagdagang pagkain o supplemental feeds.
Pangangasiwa ng Palaisdaan
Ang paglalagay ng bunbon o siit sa palaisdaan ay kinakailangan upang magsilbing silungan o kapitan ng maliit at malalaking hipon, lalo sa panahon ng pagluluno.
Dagdagan o bawasan kung kianakailangan, ng magsindaming tubig ang palaisdaan minsan sa loob ng ilang buwan kung tag-ulan at dalawang beses o linggu-linggo sa panahon ng tag-init, upang mapanatili ang linis ng tubig at oksinehong kailangan ng hipon.
PAG-AANI
Sa loob ng apat na buwan ay maari nang anihin ang hipon. Pakatihin ang palaisdaan sa pamamagitan ng paglalagay ng kanal sa gilid o gitna upang magsilbing daanan o agusan ng tubig at hipon. Sa patungong labasan o "gate" kinakailangang may lambat na may ibat- ibang laki ng mesh size upang kusang mapaghiwalay ang maliiit sa malalaking hipon.
it's very general
ReplyDeleteraising shrimps is not as easy and simple as what you have discussed
it is very complicated, maraming sakit ang shrimps
have you heard of white spot disease?
dapat ipaalam mo sa readers na complicated nga to
siguro you need to focus on the businesses where you are an expert
if not add resource links
guide peolple to the experts if you are not an expert yourself
and finally, how do people get down to business, pano mag-umpisa
kasi ang mangyayari sa readers mo or visitors ng site e just to browse, that's it
but for someone who's serious about starting a business, I think you'll just be one of their references
ang nais lang ng may akda nito ay magkaroon ng kamalayan ang bawat makakabasa ukol sa pag aalaga ng hipon.sino ba naman ang papasok sa negosyo na walang alam. kaya dapat patuloy na mag aral at bumuo ng pundasyon bago sumuong sa negosyong papasukin. mabuhay ang may akda ng blog na ito.ipagpatuloy mo pare.
ReplyDeletesalamat, wilmadan
ReplyDeletemarahil si Bungareen ay galing sa seafdec. totoong komplikado ang pag-aalaga ng hipon lalo na ang sugpo, at masyadong mataas ang density, at galing sa mga punlaan ang binhi. subalit, dapat din nyang malaman na ang pag-aalaga ng hipon kahit sugpo pa pag ang binhi ay galing sa wild, at ang density ay hindi napakataas, ay napakadali. :)
itong post ay intro lamang po. marami sa commercial growers ang kumukuha ng propesyunal sa pag-aalaga ng hipong sugpo.
june
ReplyDeleteMaari kaya alagaan ang hipon sa isang tank o hukay na may holloblock na may concrete na flooring? kung wala naman akong fishpan eh may bakanti naman akong lotte halimbawa. malaki kasi talaga kita sa hipon. Pls tulong naman. thanks
@june
ReplyDeleteMaari mong alagaan ang hipon sa sementadong tank. Pero dapat mo din i consider ang source ng tubig. ang hipon ay nangangailangan ng mineral sapat para sa growth at sa pagbuo ng shell..contact me at 09294178391 for more info(text lang)
magandang umaga po.interesado din po ako sa pag aalaga ng sugpo.nais ko lang po malaman kung saan ako maaaring makakuha ng mainam o magandang binhi upang makapagsimula..tatanawi ko pong malaking utang na loob ang maiibigay ninyo sa aking impormasyon.
ReplyDelete@raspoo...
ReplyDeletekuya interesado din po akong mag alaga ng sugpo.ako po ay isang nurse na walang mapasukang hospital kaya naman po iniisip ko nalang po na mag negosyo..maaari po bang humingi ako g impormasyon sa inyo kung saan ako maaring makahanap ng mainam na punla para makapagsimula? maraming salamat po.
san ba pde bumili ng binhi ng sugpo pa email naman sakin herson262000@yahoo.com
ReplyDeleteHi newbie po ako but i am interested in shrimp culture kasi may 4 hectares of coconut palantaion ako na may river running across the land at sanay tuloy tuloy na po akong ardent fan dito at need sa iyong advices..saan ako maaaring makakuha ng mainam o magandang binhi upang makapagsimula.o saan ako makabili dahil po ang coconut farm ko ay sa misamiz mindanao but i am a native cebuana with a house and a resort in cebu.. my hubby will be retiring four years from now and i am a farmer by heart, and will also raising chicken, vegetables and flowers etc. its a very big land and i am frustrated looking at it with only coconuts as produce..xx will even be making cement hollow blocks etc.
ReplyDeletehello again.. nakalimutan kong to say maraming salamat nakita ko itong blog nyo..kei
ReplyDeleteSaan po pwedeng bumili ng ng hipon...tulad ng sugpo at ulang. Paki send at reply naman po sa email ko...gilberttanoan@yahoo.com
ReplyDelete